top of page

Bagong Firetruck, Dagdag-Kagamitan ng San Rafael sa Pagtugon sa mga Emergency

4 hours ago
1 min read

Nadagdagan ang kagamitan ng Bayan ng San Rafael para sa pagtugon sa mga sunog at iba pang emergency sa pagdating ng isang bagong firetruck.


Inaasahang makatutulong ang bagong sasakyan upang mapabilis at mapahusay ang pagtugon ng mga tagapaglingkod sa mga insidenteng nangangailangan ng agarang aksiyon.


Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang kakayahan ng bayan sa disaster response at matiyak ang kaligtasan ng mga residente, kanilang mga tahanan at ari-arian.


Sa pamamagitan ng karagdagang kagamitang ito, inaasahang magiging mas handa ang San Rafael sa pagharap sa mga sunog at iba pang emergency.



Comments


bottom of page