Mga Nagwagi sa San Rafael Christmas Station ID Contest 2026, Inanunsiyo

Inanunsiyo na ang mga nagwagi sa San Rafael Christmas Station ID Contest 2026 matapos magtagisan ng talento at pagkamalikhain ang mga kalahok sa pagbuo ng mga awiting sumasalamin sa diwa ng Pasko sa bayan.
Nakuha ng grupong The Everyday Delays ang unang puwesto bilang winner, habang si Lorenzo Sandoval ang itinanghal na first runner-up at si Arlie Alonzo naman ang second runner-up.
Nagpaabot ng pagbati ang mga tagapag-organisa sa mga nagwagi at nagpasalamat sa lahat ng lumahok sa paligsahan. Binigyang-pagkilala rin ang kanilang talento at ambag sa paglikha ng mga awiting nagbibigay-buhay sa diwa ng Paskong San Rafaeleño.
Nagpasalamat din ang lokal na pamahalaan sa suporta at pakikiisa ng mga kalahok sa paligsahan na bahagi ng pagdiriwang ng Pasko sa San Rafael.






Comments