Zumba Marathon, Masiglang Idinaos ng MDRRMO San Rafael para sa National Disaster Resilience Month
- SB San Rafael

- 4 days ago
- 1 min read

Sa pamamagitan ng galaw, indak, at masiglang pakikilahok, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ang isang Zumba Marathon sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), bilang opisyal na pakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong buwan ng Hulyo.
Naging katuwang sa paghataw at pagpapakita ng suporta sa aktibidad si Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) San Rafael, mga dedikadong kawani ng lokal na pamahalaan, at iba't ibang samahan at organisasyon sa buong bayan.

Layunin ng masayang aktibidad na ito na isulong ang kahalagahan ng pisikal na kalusugan at alertong pangangatawan, na rurok na bahagi ng pagiging handa at matatag sa panahon ng anomang sakuna o kalamidad.
Taos-pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ng MDRRMO, sa pamumuno ni OIC Ma'am Ren Mendoza, sa lahat ng naging kabahagi at sumuporta upang maging matagumpay ang programa. Ayon sa kaniya, ang malawak na pakikilahok ng iba't ibang sektor ay isang malinaw na patunay ng sama-samang adhikain ng bayan na bumuo ng isang ligtas, matatag, at laging handang komunidad sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Cipriano "Goto" D. Violago, Jr.





Comments