Youth Power laban sa Sunog! Barangay Youth Fire Olympics, Matagumpay na Idinaos
- SB San Rafael

- Mar 20
- 1 min read

Upang mas mapalakas ang kahandaan at kaalaman ng mga kabataan sa pagtugon sa mga sakuna, personal na dinaluhan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. ang ginanap na Barangay Youth Fire Olympics sa ating bayan.
Ang nasabing aktibidad ay matagumpay na isinagawa ng San Rafael Fire Station sa ilalim ng pamumuno ni FSINSP Ervin Agustin. Layunin ng paligsahang ito na ituro sa mga kabataang San Rafaeleño ang mga tamang paraan ng fire safety, mabilis na pag-apula ng apoy, at ang kahalagahan ng disiplina sa gitna ng disaster response.
Binigyang-diin ni Mayor Violago ang krusyal na papel ng kabataan bilang mga "first responders" sa kanilang sariling mga barangay. "Ang paghubog sa inyong kakayahan ngayon ay isang malaking hakbang para sa kaligtasan ng inyong mga pamilya at ng buong komunidad. Isang malaking pasasalamat sa ating BFP sa inyong dedikasyon sa pagtuturo sa ating mga kabataan," anang Punong Bayan.

Sa pamamagitan ng mga simulated exercises at firefighting drills, naipakita ng mga kalahok ang kanilang galing at bilis na kailangan sa panahon ng emergency. Patunay ito na ang bayan ng San Rafael ay patuloy na nagkakaisa tungo sa isang mas ligtas at handang kinabukasan.





Comments