top of page

Yellow Warning Level, Ibinaba sa San Rafael Dahil sa Banta ng Baha mula sa Habagat


Naglabas ng maagap na babala ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) San Rafael kasunod ng inilabas na Heavy Rainfall Warning No. 7 ng PAGASA-NCR PRSD ganap na ika-2:00 ng hapon, Lunes, Agosto 17, 2026.


Sa ilalim ng naturang ulat panahon, naitala sa Yellow Warning Level ang Bayan ng San Rafael kasama ang mga kalapit-bayan ng Angat, Baliuag, Bustos, Norzagaray, Pandi, Pulilan, at Doña Remedios Trinidad dahil sa patuloy na epekto ng Habagat (Southwest Monsoon).


Ayon sa MDRRMO, ang Yellow Warning Level ay nangangahulugang may posibleng banta ng pagbaha sa mga mabababang lugar at mga flood-prone areas, kaya't pinapayuhan ang lahat ng residente na manatiling alerto at magmatyag.


Samantala, berada naman sa Red Warning Level (Serious Flooding) at Orange Warning Level (Flooding is Threatening) ang iba pang mga bayan sa Timog at Kanlurang bahagi ng Bulacan.


Patuloy ang masusing pagbabantay ng MDRRMO San Rafael sa mga daluyan ng tubig at sa pangkalahatang sitwasyon ng panahon sa buong bayan. Inatasan din ang mga mamamayan na subaybayan ang susunod na opisyal na ulat panahon na ilalabas ng mga awtoridad.


Ang maagap na pag-aalerto at paghahanda sa sakuna ay patuloy na pinangungunahan ng Pamahalaang Bayan sa ilalim ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat pamilyang San Rafaeleño.

Comments


bottom of page