Walang Pasok sa San Rafael Ngayong Oktubre 5 para sa World Teachers’ Day

Walang pasok sa lahat ng antas sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Bayan ng San Rafael ngayong Lunes, Oktubre 5, 2026, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day.
Isinagawa ang suspensyon ng klase bilang pagkilala at pagpapahalaga sa mahalagang papel ng mga guro sa paghubog ng kaalaman, kakayahan at kinabukasan ng mga mag-aaral.
Kinikilala rin ng Pamahalaang Bayan ang patuloy na dedikasyon, sakripisyo at malasakit ng mga guro sa kanilang tungkulin at sa paglilingkod sa komunidad.
Kasabay nito, ipinaabot ang pasasalamat at pagbati sa lahat ng mga guro sa kanilang mahalagang ambag sa edukasyon at sa paghubog ng kabataan.






Comments