top of page

Walang Pasok: Pamahalaang Bayan, Nakikiisa sa Paggunita ng Eid’l Adha Ngayong Miyerkules


Opisyal na inanunsyo ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael na walang pasok sa lahat ng tanggapan ng munisipyo bukas, araw ng Miyerkules, Mayo 27, 2026.


Ang suspensyon ng operasyon ay bilang pagtalima sa idineklarang regular holiday sa buong bansa kaugnay ng paggunita sa Eid’l Adha o ang Pista ng Sakripisyo ng mga kapatid na Muslim.


Gayunpaman, nilinaw ng pamahalaang bayan na hindi hihinto ang mga kritikal at pangunahing serbisyo para sa kaligtasan at kalusugan ng publiko. Nananatiling bukas at handang magsilbi ang Birthing Station (RHU 3) pati na ang lahat ng Emergency Responders ng bayan upang matiyak na may agarang tutugon sa anumang medikal na pangangailangan o sakuna sa buong panahon ng deklarasyon.


Inaasahang magbabalik naman sa normal at regular na operasyon ang lahat ng mga tanggapan sa munisipyo sa darating na Huwebes, Mayo 28, 2026.


Kaugnay nito, nagpaabot ng isang mapayapa, ligtas, at makabuluhang pagdiriwang ng Eid’l Adha ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa lahat ng mga kapatid na Muslim sa komunidad at sa buong bansa.

Comments


bottom of page