top of page

VMLP Bulacan Chapter, Nagsagawa ng Ika-10 Regular Meeting

Aug 24
1 min read

Nakiisa si Vice Mayor Edison M. Veneracion sa ika-10 Regular Meeting ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) Bulacan Chapter, kasama ang mga Pangalawang Punong Bayan mula sa iba’t ibang lungsod at bayan ng Bulacan.


Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang usapin ng samahan at mga bagay na may kaugnayan sa pamamahala at serbisyo publiko.



Naging pagkakataon din ito para sa mga lokal na lider na magpalitan ng kaalaman at karanasan, gayundin upang higit na mapagtibay ang ugnayan at pagtutulungan ng mga vice mayor sa lalawigan.


Isinagawa ang pagpupulong sa Bayan ng Plaridel sa pangunguna ni Vice Mayor Imelda de Leon, na pinasalamatan ni Veneracion sa mainit na pagtanggap at maayos na pagdaraos ng pagtitipon.

Comments


bottom of page