top of page

VMLP Bulacan Chapter, Matagumpay na Idinaos ang Kanilang 7th Regular Monthly Meeting


Matagumpay na idinaos ang 7th Regular Monthly Meeting ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) Bulacan Chapter noong nakaraang Mayo 21, 2026.


Ang mahalagang pagtitipon ay ginanap sa Ricardo C. Silverio, Sr. Multi-Purpose Center sa Barangay Poblacion, sa bayan ng San Miguel.


Pinangunahan ang naturang pagpupulong ni Vice Mayor Gerome “Jhong” DC. Reyes, kung saan masigasig na nakiisa ang mga Pangalawang Punong Bayan mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa buong lalawigan ng Bulacan.



Pangunahing layunin ng buwanang aktibidad na ito na higit pang pagtibayin ang pagkakaisa, pagtutulungan, at palitan ng mga epektibong ideya sa pagbalangkas ng mga batas at programa sa kani-kanilang lokalidad.


Sa pamamagitan ng pagtitipong ito, mas nagiging solido ang ugnayan ng mga pinuno ng lehislatura upang sama-samang maitaguyod ang kapakanan at patuloy na pag-unlad ng buong lalawigan ng Bulacan.

Comments


bottom of page