top of page

Vice Mayor Edison, Nakibahagi sa National Meeting ng Vice Mayors’ League

Sep 3
1 min read

Dumalo si Vice Mayor Edison M. Veneracion ng San Rafael, Bulacan sa Quarter 2026 National Executive Board (NEB) Meeting and 3rd Conference of the Academy of Presiding Officers na isinagawa ng Vice Mayors’ League of the Philippines sa Manila Hotel.


Kabilang sa mga naging tagapagsalita si dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, na tumalakay sa napapanahong usapin tungkol sa “Philippine Island Territories in the West Philippine Sea.”



Naging pagkakataon din ang pagtitipon para sa mga vice mayor mula sa iba’t ibang bayan at lungsod na magpalitan ng kaalaman, karanasan, at pananaw kaugnay ng kanilang tungkulin sa paglilingkod sa mamamayan.


Layunin ng naturang kumperensya na mapalawak ang kaalaman at ugnayan ng mga local presiding officers sa pagpapatupad ng kanilang mga responsibilidad sa pamahalaang lokal.

Comments


bottom of page