top of page

Ulat sa Kalagayan ng Tubig sa San Rafael, Patuloy na Binabantayan ng MDRRMO


Patuloy ang masusing pagbabantay ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) San Rafael sa antas ng tubig sa iba't ibang pangunahing daluyan at ilog sa bayan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mamamayan.


Batay sa huling ulat ng MDRRMO ukol sa Water Level Status na inilabas nitong Agosto 14, 2026, ganap na ika-12:00 ng tanghali, nananatiling nakatutok ang mga tauhan ng disaster response team sa pag-momonitor ng mga mabababang lugar at mga pampang na malapit sa ilog.


Ipinapaalala ng MDRRMO sa lahat ng residente, lalo na sa mga naninirahan sa mga flood-prone areas, na manatiling alerto, subaybayan ang mga opisyal na babala hinggil sa lagay ng panahon, at agad na makipag-ugnayan sa kanilang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC) o sa MDRRMO kapag kinakailangan ng tulong o mabilis na paglikas.


Ang tuluy-tuloy na pagbabantay at paghahanda sa panahon ng kalamidad ay bahagi ng adbokasiya ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, para sa ligtas at maagap na komunidad.

Comments


bottom of page