top of page

PASKA at PESO San Rafael, Nagsagawa ng Pagsasanay sa Paggawa ng Flower Fuzzy at Kandila

2 days ago
1 min read

Nagsagawa ng pagsasanay sa paggawa ng flower fuzzy at kandila ang Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Sagrado Corazon de Jesus (PASKA) sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO) San Rafael.


Layunin ng pagsasanay na malinang ang kakayahan at pagkamalikhain ng mga kalahok, gayundin ang madagdagan ang kanilang kaalaman at kasanayan sa paggawa ng mga produktong maaaring pagkakitaan.


Inaasahang magsisilbing dagdag na oportunidad ang mga natutuhan upang makapagsimula ang mga kalahok ng sariling kabuhayan o magkaroon ng karagdagang mapagkakakitaan.

Comments


bottom of page