Tropical Storm Pilandok, Lumakas; MDRRMO San Rafael, Nagpaalala sa Publiko

Lumakas bilang Tropical Storm Pilandok (Krovanh) ang bagyong minomonitor ng DOST-PAGASA, ayon sa Tropical Cyclone Bulletin No. 9 na inilabas alas-11:00 ng umaga ngayong Setyembre 1, 2026.
Tinatayang nasa 1,060 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon ang sentro ng bagyo, na may lakas ng hanging 65 km/h at pagbugsong hanggang 80 km/h. Wala namang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa bansa.
Ayon sa PAGASA, maliit ang posibilidad na mag-landfall ang Pilandok at inaasahang mananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas. Gayunman, maaaring makaranas ng malakas na ulan at hangin ang ilang lugar dahil sa Habagat.
Pinayuhan ng MDRRMO San Rafael ang mga residente na manatiling alerto at sumubaybay sa mga opisyal na abiso ng PAGASA at lokal na pamahalaan, lalo na sa mga lugar na madaling bahain.






Comments