Trick or Treat 2026, Matagumpay na Isinagawa sa San Rafael

Nagsagawa ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael ng Trick or Treat 2026 nitong Oktubre 27, na nilahukan ng mga batang nakasuot ng iba’t ibang makukulay at malikhaing costume bilang bahagi ng pagdiriwang ng Halloween.
Naging tampok sa programa ang pamimigay ng mga sorpresa at matatamis na pagkain, gayundin ang pagpili sa Top 10 Best Costumes na nagbigay ng dagdag na kasiyahan sa mga batang kalahok.

Namahagi rin ng Jollibee meals para sa lahat ng mga bata, bukod sa mga treat na handog ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga sponsor.
Nagpasalamat ang mga tagapag-organisa sa mga opisyal, sponsor, at iba pang katuwang na naglaan ng oras at suporta upang maging matagumpay ang aktibidad.
Layunin ng programa na makapagbigay ng masaya at makabuluhang karanasan sa mga bata at kanilang pamilya sa pagdiriwang ng Halloween sa San Rafael.







Comments