Apat na Magkasintahan, Pinag-isang Dibdib sa San Rafael
Pinag-isang dibdib ni Mayor Cipriano D. Violago, Jr. ang apat na magkasintahan sa isang seremonya ng kasal sa Bayan ng San Rafael.
Kabilang sa mga bagong mag-asawa sina Jefferson at Marianne Baun, Jervel Theodore at Jenica Padoliva, Abdul Bari at Christine Mae Alawi, at Reynaldo at Catherine Dela Cruz.
Nagpaabot ng pagbati ang Punong Bayan at ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa mga bagong kasal, kasabay ng hiling na maging matagumpay, matatag at mapagpala ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.






Comments