top of page

Transparency sa San Rafael: Taunang Badyet ng 34 na Barangay, Opisyal nang Aprubado!


Bilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod ng prinsipyo ng Transparency at Good Governance, opisyal nang inianunsyo ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael na aprubado na ang Taunang Badyet (Annual Budget) para sa lahat ng 34 na Barangay sa ating bayan para sa taong 2026.


Ang hakbang na ito, sa ilalim ng pamumuno nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, ay naglalayong tiyakin na ang bawat pondo ng barangay ay nakalaan sa mga programa at proyektong direktang makikinabang ang mga mamamayan.


"Naniniwala tayo na ang bawat sentimo ng kaban ng bayan ay dapat gamitin nang wasto. Ang pag-apruba at paglalathala ng mga badyet na ito ay patunay ng ating adhikain para sa isang Matapat, Mahusay, at Maunlad na Pamamahala," anang pahayag mula sa lokal na pamahalaan.


Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga badyet na ito ng Sangguniang Bayan, masisiguro ang tuloy-tuloy na operasyon ng mga barangay, kabilang ang:

  • Mga lokal na proyektong pang-imprastraktura.

  • Serbisyong pangkalusugan at panlipunan sa antas-barangay.

  • Programa para sa kapayapaan, kaayusan, at kalamidad.

  • Suporta para sa mga kabataan at iba pang sektor.


Hinihikayat ang bawat San Rafaeleño na makilahok at maging mapagmatyag sa pagpapatupad ng mga proyekto sa kanilang sariling mga barangay upang matiyak ang tunay na pag-unlad ng ating komunidad.

Comments


bottom of page