top of page

Tipid-Gasolina sa Gitna ng Krisis

Mar 10
1 min read

Dahil sa patuloy na banta ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dulot ng sigalot sa Middle East, nagpaabot ng mahalagang paalala si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion upang matulungan ang mga motorista at mga operator ng pampublikong sasakyan sa ating bayan.


Ayon kay Vice Mayor Veneracion, mahalagang maging mapamaraan sa paggamit ng sasakyan upang maibsan ang epekto ng taas-presyo sa bulsa ng mga San Rafaeleño. Narito ang ilang "Tipid Gasolina Tips" mula sa Department of Energy (DOE):

  • Panatilihin ang Maayos na Kondisyon ng Sasakyan: Ang regular na tune-up at pagpapalit ng langis ay nakakatulong upang hindi maging "matakaw" sa gasolina ang makina.

  • Tiyaking Tama ang Pressure ng Gulong: Ang malambot na gulong ay nagdudulot ng dagdag na bigat at konsumo sa krudo.

  • Iwasan ang "Idling" o Pag-andar habang Naka-park: Patayin ang makina kung maghihintay ng matagal upang hindi masayang ang gasolina.

  • Planuhin ang Ruta: Iwasan ang mga lugar na may matinding trapik at pagsabayin ang mga lakad sa isang ruta lamang.

  • Magmaneho nang Swabe: Iwasan ang biglaang pag-arangkada at mabilis na pagpreno dahil malaki ang nababawas nito sa fuel efficiency.



Comments


bottom of page