Tennis Players ng San Rafael, Inaanyayahang Magrehistro para sa Mayor’s Cup
- SB San Rafael

- Apr 8
- 1 min read

Upang higit na itaguyod ang malusog na pamumuhay at palakasin ang ugnayan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng palakasan, opisyal nang binuksan ang registration para sa Mayor’s Cup: Tennis Tournament 2026.
Ang paligsahang ito ay handog ng ating Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion. Layunin ng tournament na ito na linangin ang talento ng mga lokal na atleta at itaguyod ang mga pagpapahalaga tulad ng disiplina, determinasyon, at sportsmanship sa loob ng ating komunidad.
Ang torneo ay bukas sa lahat ng lehitimong residente ng Bayan ng San Rafael. Inaasahan ang pakikilahok ng mga mahuhusay na manlalaro mula sa iba’t ibang barangay upang ipakita ang kanilang galing sa court.
Para sa mga nagnanais sumali, ang registration ay nagsimula ngayong ika-8 ng Abril at magtatagal lamang hanggang ika-22 ng Abril, 2026. Maaaring magrehistro online sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito: https://forms.gle/JKvb8ZWdqAcuHMT16.





Comments