top of page

Team San Rafael, Naitanghal na Over-all Champion sa 14th Bulacan Rescue Olympics 2026


Muling nagpamalas ng natatanging husay, galing, at kahandaan sa pagresponde ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng San Rafael matapos itanghal bilang OVER-ALL CHAMPION sa ginanap na 14th Bulacan Rescue Olympics 2026.


Ang naturang kompetisyon at pagsasanay sa paghahanda sa sakuna ay ginanap sa The Greenery, Barangay Sabang, Baliwag, Bulacan.


Sa ilalim ng pamumuno ni OIC Regine G. Mendoza, ipinamalas ng Team San Rafael ang kanilang mataas na antas ng kasanayan, disiplina, at matibay na teamwork laban sa iba't ibang delegasyon ng rescue teams sa buong lalawigan ng Bulacan.


Bukod sa pangunahing kampeonato, matagumpay rin nilang nasungkit ang dalawang major special awards:

  • Best in Operations Center Management

  • Best in Fire Suppression


Ang tagumpay na ito ay malinaw na patunay ng walang sawang pagsasanay, dedikasyon, at kahandaan ng mga responder ng San Rafael upang protektahan at iligtas ang buhay at ari-arian ng mamamayan sa oras ng anumang sakuna o emergency.


Ang patuloy na pagpapalakas sa kakayahan ng MDRRMO ay buong pusong pinangangalagaan at sinusportahan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang masiguro ang isang ligtas at laging handang komunidad.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page