TATLONG SUSPEK SA ILEGAL NA DROGA, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA SAN RAFAEL

Arestado ang tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng San Rafael Municipal Police Station na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱21,000.
Bahagi ang operasyon ng patuloy na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.
Sa pamumuno ni PLTCOL Lawrence Gerald A. Bathan, Acting Chief of Police, tiniyak ng San Rafael MPS na magpapatuloy ang mga operasyon at programa laban sa ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad sa bayan.
Hinikayat naman ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagsusumbong ng mga kahina-hinalang gawain sa kanilang komunidad. Para sa agarang tulong at pag-uulat ng krimen, maaaring tumawag sa Unified 911.






Comments