Tatlong Magkasintahan, Pinag-isang Dibdib sa San Rafael
- SB San Rafael

- Apr 7
- 1 min read

Isang panibagong yugto ng buhay ang sinimulan ng tatlong pares ng magkasing-irog matapos silang pagbuklurin sa banal na sakramento ng kasal na pinangunahan ng ating Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr.
Buong kagalakang binati at binasbasan ni Mayor Goto ang mga sumusunod na bagong mag-asawa:
Mr. & Mrs. Camilo at Alma Cardinal
Mr. & Mrs. Ronaldo at Analyn Bautista
Mr. & Mrs. April Hervie at Stephanie Faith Tebia

Sa nasabing okasyon, nagpaabot ng payo ang Punong Bayan tungkol sa kahalagahan ng pagtutulungan, respeto, at matibay na pananalig sa Diyos upang mapanatiling matatag ang kanilang pagsasama sa gitna ng anumang pagsubok.

Kaisa ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael, hangad ng pamunuan ang isang masaya, matagumpay, at mabiyayang kinabukasan para sa mga bagong kasal. Ang seremonya ay bahagi ng patuloy na paglilingkod ng ating alkalde sa pagpapatibay ng pundasyon ng pamilyang San Rafaeleño.





Comments