Tatlong Magkasintahan, Ikinasal sa San Rafael
Pinag-isang dibdib sa kasal ni Mayor Cipriano D. Violago, Jr. ang tatlong magkasintahan na sina Atilano at Marivic Valderama, Raymart at Richiel Delgado, at Mark Dave at Aira May Reblora.
Nagpaabot naman ng pagbati ang Punong Bayan at ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa mga bagong kasal, kasabay ng hiling na maging matagumpay, matatag at mapagpala ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
Nawa'y maging simula ang kanilang pag-iisang dibdib ng isang masaya at makabuluhang buhay-pamilya.






Comments