Tanggapan ni Mayor Violago, Patuloy na Bukas sa mga San Rafaeleño
- SB San Rafael

- Apr 29
- 1 min read

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Punong Bayan ng San Rafael na si Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. sa lahat ng mga kababayang patuloy na dumudulog at nagbabahagi ng kanilang mga saloobin at pangangailangan sa kanyang tanggapan.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Mayor Violago ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng mga mamamayan. Aniya, lubos niyang pinahahalagahan ang partisipasyon ng bawat isa na nagnanais makibahagi sa sama-samang pagsisikap upang mas mapabilis ang pag-unlad ng bayan.
Kasabay nito, tiniyak ng alkalde na nananatiling bukas ang kanyang tanggapan sa bawat San Rafaeleño. Bukas ito sa mga nagnanais makipag-ugnayan, magbigay ng mga mungkahi, at magbahagi ng mga makabuluhang ideya na makatutulong sa pagpapatupad ng mga kapaki-pakinabang na programa para sa kapakanan ng lahat.





Comments