Tanggapan ng Punong Bayan, Patuloy na Bukas sa mga San Rafaeleño

Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Cipriano D. Violago, Jr. sa mga San Rafaeleño na dumulog at bumisita sa kanyang tanggapan upang magbahagi ng kanilang mga saloobin, mungkahi at pangangailangan.
Binigyang-diin ni Mayor Violago ang kahalagahan ng bawat pakikipag-ugnayan at pakikilahok ng mga mamamayan sa mga hakbang para sa patuloy na pag-unlad ng bayan.

Ayon sa alkalde, nananatiling bukas ang kanyang tanggapan para sa mga San Rafaeleño na nais magbahagi ng kanilang mga ideya, mungkahi at iba pang concerns, gayundin sa mga nais maging katuwang sa pagsusulong ng mga programang makabuluhan at tumutugon sa pangangailangan ng komunidad.
Hinikayat niya ang mga mamamayan na patuloy na makiisa at makipagtulungan sa pagpapaunlad at paglilingkod sa Bayan ng San Rafael.






Comments