Tanggapan ng Punong Bayan, Patuloy na Bukas para sa mga San Rafaeleño

Patuloy na bukas ang tanggapan ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. para sa mga San Rafaeleñong nais magbahagi ng kanilang saloobin, mungkahi, at mga hinaing o humingi ng tulong.
Binigyang-diin ni Mayor Violago na pinakikinggan at pinahahalagahan ng Pamahalaang Bayan ang bawat concern at suhestiyon ng mga mamamayan bilang bahagi ng patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Hinimok din ang mga San Rafaeleño na patuloy na makiisa at makipag-ugnayan sa Pamahalaang Bayan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at mapabuti ang paghahatid ng serbisyo.
Layunin ng Pamahalaang Bayan na itaguyod ang isang mas maayos, bukas, at may malasakit na pamahalaan para sa bawat San Rafaeleño.






Comments