Tahanan ng Pag-asa: Balay Silangan Reformation Program, Pormal nang Binuksan sa San Rafael
- SB San Rafael

- Aug 5
- 1 min read

Isang makasaysayang hakbang tungo sa pagpapatatag ng kapayapaan at kaayusan ang naisakatuparan sa Bayan ng San Rafael matapos pormal na isagawa ang Inauguration and Blessing Ceremony ng Balay Silangan Reformation Program.
Ang naturang seremonya ay pinangunahan ng mga pinuno ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael katuwang ang iba't ibang ahensya ng pamahalaang nasyonal, pambansang pulisya, at mga katuwang na institusyon.
Ang pagtatatag ng Balay Silangan sa San Rafael ay patunay ng matibay na pakikipagtaguyod ng lokal na pamahalaan at pambansang ahensya sa pagsusulong ng isang ligtas, mapayapa, at drug-free na komunidad. Higit sa pagiging isang pasilidad, ang sentro ay idinisenyo bilang isang tahanan ng pag-asa, pagbabago, at pangalawang pagkakataon para sa mga indibidwal na nagnanais na magbagong-buhay at muling makabalik nang maayos sa lipunan.

Sa patuloy na pagkakaisa ng pamahalaan at ng buong komunidad, inaasahang magiging daan ang Balay Silangan upang mas marami pang buhay ang mabago, mas maraming pamilya ang muling mabuo, at mas mapatatag ang pangkalahatang adhikain para sa isang mas ligtas at maunlad na bayan.
Ang makabuluhang proyektong ito ay buong pusong itinaguyod ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang tiyakin ang patuloy na pagkalinga at pagbibigay ng bagong simula sa bawat mamamayan.




Comments