top of page

Suspensyon ng Face-to-Face Classes sa San Rafael, Extended Pa Rin Hanggang Miyerkules, Agosto 19


Upang patuloy na tiyakin ang seguridad at kapakanan ng mga mag-aaral, guro, at kawani ng mga paaralan, pormal na inianunsyo ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael na mananatiling suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas ngayong Miyerkules, Agosto 19, 2026.


Ang nasabing suspensyon ay sumasaklaw sa lahat ng pampubliko at pribadong pasilidad ng edukasyon sa buong bayan dahil sa patuloy na epekto ng masamang panahon at banta sa kaligtasan ng lahat.


Kaugnay nito, muling itinatagubilin ng lokal na pamahalaan sa mga pamunuan ng paaralan ang tuluy-tuloy na pagpapatupad ng online classes o alternative learning modalities upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga kabataan habang sila ay ligtas sa loob ng kanilang mga tahanan.


Inaabisuhan din ang mga magulang at mga mag-aaral na manatiling maingat at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na babala at anunsyo mula sa lokal na pamahalaan at MDRRMO San Rafael.



Comments


bottom of page