top of page

Summer Sports Clinic 2026: Opisyal na Iskedyul ng Trainings, Inabas na!


Pormal nang inianunsyo ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang opisyal na iskedyul ng mga trainings para sa inaabangang Summer Sports Clinic ngayong buwan ng Abril 2026.


Layunin ng programang ito, sa ilalim ng pamumuno nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, na linangin ang talento ng mga kabataang San Rafaeleño sa larangan ng palakasan at itaguyod ang isang aktibo at malusog na pamumuhay.


Narito ang gabay para sa mga rehistradong:

Larangan

Lugar

Oras

Basketball

Victory Coliseum

8:00 AM – 12:00 PM

Volleyball

San Rafael New Gymnasium

8:00 AM – 10:00 AM (Beginner)


10:00 AM – 12:00 PM (Advanced)

Tennis

Caingin (M,T,W) / San Roque (Th,F,S)

4:00 PM – 6:00 PM / 1:00 PM – 3:00 PM

Badminton

Sportzify Badminton Center

8:00 AM – 10:00 AM

Table Tennis

Sanctuario of St. Maria Theresa School

1:00 PM – 3:00 PM

Paalala mula sa pamunuan, ang mga trainings na ito ay eksklusibo lamang para sa mga rehistradong kalahok. Hinihikayat ang lahat na dumating sa itinakdang oras at tiyaking dala ang kaukulang sports gear para sa maayos at ligtas na pagsasanay.


Katuwang ang Sangguniang Bayan, patuloy ang ating lokal na pamahalaan sa pagsuporta sa mga programang pangkabataan na maghuhubog sa susunod na henerasyon ng mga atletang San Rafaeleño.

Comments


bottom of page