top of page

Ika-19 na Sesyon ng Sangguniang Bayan, Isinagawa para sa Kapakanan ng mga San Rafaeleño


Bilang bahagi ng tuloy-tuloy na paglilingkod at paggawa ng mga batas para sa ikabubuti ng komunidad, matagumpay na isinagawa ang ika-19 na Pangkaraniwang Pagpupulong ng Sangguniang Bayan ng San Rafael.


Ang nasabing sesyon ay pinangunahan ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, katuwang ang mga masisipag na Kagawad ng Sangguniang Bayan at mga kawani ng Sanggunian.



Sa ilalim ng pagpupulong na ito, masusing tinalakay ang iba’t ibang mahahalagang usapin, programa, at panukalang ordinansa na direktang makatutulong sa kapakanan ng mga mamamayang San Rafaeleño. Layunin ng bawat sesyon na masigurong ang mga polisiya ng pamahalaan ay tumutugon sa pangangailangan ng publiko at naglalayong mapaunlad pa ang serbisyo sa buong bayan.



Comments


bottom of page