Maligayang Kaarawan MPDO Emmanuel San Roque!
- SB San Rafael

- 8 hours ago
- 1 min read

Isang mainit na pagbati ang ipinaabot ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ng isa sa mga haligi ng pag-unlad ng bayan, si Engr. Emmanuel V. San Roque, ang kasalukuyang Municipal Planning and Development Officer (MPDO).
Ang pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, at ng buong hanay ng Sangguniang Bayan. Kinilala ng mga opisyal ang mahalagang papel ni Engr. Manny sa pagbalangkas ng mga plano at programa na nagsisilbing pundasyon ng direksyon at paglago ng munisipyo.
Sa mensaheng inilabas ng lokal na pamahalaan, ipinahayag nila ang hangad para sa mabuting kalusugan at patuloy na pagdaloy ng mga biyaya mula sa Panginoon para kay Engr. Manny upang magpatuloy ang kanyang tapat na paglilingkod.





Comments