Solar-Powered Irrigation System, Ipinagkaloob sa mga Samahan ng Magsasaka sa San Rafael

Ipinagkaloob ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael nitong Setyembre 28 ang mga Solar-Powered Irrigation System with Trailer sa apat na samahan ng mga magsasaka sa bayan.
Ang mga kagamitang ito ay mobile irrigation equipment na layong makatulong sa patuloy na pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pagpapalakas ng produksyon ng mga magsasaka.

Ang mga benepisyaryong samahan ay ang sumusunod:
Pasong Intsik Palay and Vegetable Farmers Association
Coral na Bato Farmers Association
Pulong Bayabas Farmers Association, Inc.
Pantubig Turbine Irrigators Association
Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office ang programa, katuwang ang mga pinuno ng lokal na pamahalaan, bilang bahagi ng mga hakbang para suportahan ang mga magsasaka at mapalakas ang produksyon ng agrikultura sa San Rafael.
Patuloy namang isinusulong ng Pamahalaang Bayan ang mga programa at suporta para sa sektor ng agrikultura, lalo na sa mga magsasakang katuwang sa pagpapaunlad ng ekonomiya at pagpapanatili ng sapat na suplay ng pagkain sa komunidad.







Comments