Slots para sa 'Kasal Mo, Sagot Ko 2026' sa San Rafael, Bukas na para sa Aplikasyon
- SB San Rafael

- May 6
- 1 min read

Magandang balita para sa mga magkasintahang nais nang pormal na mag-isang dibdib! Muling inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang programang “Kasal Mo, Sagot Ko 2026” para sa mga lehitimong residente ng bayan.
Ang sabayang pagtataling-puso ay handog nina Punong Bayan Igg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan, katuwang ang Municipal Civil Registry Office sa pangunguna ni Gng. Mercedes Rivera. Layunin ng programang ito na matulungan ang mga magkapareha na gawing legal ang kanilang pagsasama nang walang inaalalang gastos sa seremonya.
Ang mga interesadong aplikante ay maaaring magtungo at magpatala sa Municipal Civil Registry Office mula Lunes hanggang Huwebes, alas-7:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng hapon. Narito ang mga pangunahing dokumento na dapat dalhin:
Birth Certificate
Valid ID
Pagpapatunay mula sa Punong Barangay
Binibigyang-diin ng lokal na pamahalaan na limitado lamang ang slots para sa programang ito. Ang deadline para sa pagpapatala ay itinakda sa June 30, 2026. Agad na magtungo sa munisipyo upang matiyak ang inyong slot sa espesyal na pagtitipong ito na magbubuklod sa inyong pagmamahalan.





Comments