Simbolo ng Kalayaan: Pamahalaang Bayan, Nakiisa sa Pagdiriwang ng ‘National Flag Days’
- SB San Rafael

- May 28
- 1 min read

Opisyal nang sinimulan sa bayan ang pagdiriwang ng National Flag Days, isang pambansang okasyon na naglalayong muling buhayin ang alab ng nasyonalismo at pagkakaisa sa puso ng bawat mamamayan.
Mula ngayong araw hanggang sa darating na Hunyo 12, 2026, hinihikayat ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang lahat ng mga tanggapan ng gobyerno, mga pampubliko at pribadong paaralan, mga lokal na negosyo, at ang bawat tahanan ng mga San Rafaeleño na sabay-sabay at buong pagmamalaking itaas at ipakita ang watawat ng Pilipinas.
Ang taunang pagdiriwang na ito ay bilang pagpupugay sa pambansang bandila at bilang pag-alala sa natatanging katapangan at sakripisyo ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kasarinlan ng bansa. Ang aktibidad ay nagsisilbing pambungad na rito para sa nalalapit na paggunita ng ika-128 Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12, na siyang sumasalamin sa diwa ng ating kasaysayan at pagkakakilanlan bilang isang malayang lahi.
Ayon sa pamunuan, ang pagwawagayway ng bandila ay hindi lamang isang tradisyon kundi isang paalala sa bawat Pilipino na patuloy na pahalagahan ang tinatamasang kalayaan. Layunin din nitong itanim sa kaisipan ng publiko na isabuhay ang diwa ng pagiging makabayan sa pang-araw-araw na gawain, sa maliit man o malaking paraan.
Inaasahan na ang mga pangunahing lansangan at mga pampublikong pasilidad sa San Rafael ay mapupuno ng kulay ng pambansang watawat bilang tanda ng iisang mithiin at pagmamahal sa Inang Bayan.





Comments