Setyembre 29, Idineklarang Special Non-Working Holiday sa San Rafael

Idineklarang special non-working holiday sa Bayan ng San Rafael ang Setyembre 29, 2026, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng Angel Festival.
Ayon sa anunsyo ng Pamahalaang Bayan, ang naturang holiday ay alinsunod sa Proclamation No. 1449 na inilabas ng Malacañang.
Layunin ng pagdedeklara ng special non-working holiday na bigyang-daan ang paggunita at pagdiriwang ng mahalagang okasyon para sa mga mamamayan ng San Rafael.
Ang Angel Festival ay taunang pagdiriwang ng bayan na tampok sa mga aktibidad para sa komunidad.






Comments