top of page

Serye ng mga Programa at Kaganapan Nitong Hunyo, Matagumpay na Naihatid ng LGU

Upang panatilihin ang katapatan at bukas na pamamahala sa publiko, matagumpay na inilatag ng tanggapan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. ang ulat ng mga naging kaganapan, proyekto, at serbisyong naihatid sa mamamayan sa unang kalahati ng buwan ng Hunyo.


Ang nasabing ulat ay sumasaklaw sa iba't ibang programa ng lokal na pamahalaan na kinabibilangan ng mga tulong-pangkabuhayan, serbisyong medikal, mga pagpupulong pangkalahatan, at mga inisyatiba para sa sektor ng edukasyon at kalikasan na naisagawa sa unang dalawang linggo ng buwan.


Muling nagpahayag ng kaniyang buong-pusong komitment si Mayor Goto na patuloy na magsisilbi sa buong lakas at abot ng kaniyang makakaya para sa bayan ng San Rafael. Binigyang-diin niya na ang kaniyang administrasyon ay nakatutok sa mga programang direktang magpapabuti sa pang-araw-araw na kalagayan at pangkalahatang kapakanan ng bawat pamilyang San Rafaeleño.


Inihayag din ng punong bayan na ang tagumpay ng mga nakaraang proyekto ay bunga ng tiwala at kooperasyon ng publiko. Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan, mas mabilis na maisusulong ang isang mas maunlad, mas produktibo, at mas maayos na bayan para sa lahat.


Comments


bottom of page