top of page

Sektor ng Kababaihan, Binigyang-Pagsasanay sa Beauty Care


Bilang bahagi ng makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, kasalukuyang isinasagawa ng Public Employment Service Office (PESO) San Rafael ang isang Beauty Care Training para sa iba’t ibang sektor ng kababaihan sa ating bayan.


Ang programang ito, sa pangunguna ni Ma’am Reela I. Tuazon ng PESO, ay naglalayong magkaloob ng mga bagong kasanayan na magagamit ng ating mga kababayan bilang mapagkakakitaan at pangkabuhayan. Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, mas napapalakas ang kakayahan ng mga kababaihan na maging produktibong bahagi ng lokal na ekonomiya.



Nagpaabot din ng pasasalamat ang PESO sa Soroptimist International of San Rafael sa kanilang mahalagang kontribusyon na mga apron para sa lahat ng mga kalahok. Ang pagtutulungang ito ng lokal na pamahalaan at ng mga non-government organizations (NGOs) ay patunay ng pagkakaisa para sa kagalingan ng mga San Rafaeleño.


Binigyang-diin naman ang pasasalamat kay Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion sa kanilang walang sawang pagsuporta sa mga programang naglalayong magbigay ng oportunidad at direktang tulong sa bawat sektor ng lipunan. Patuloy ang Pamahalaang Bayan sa paglulunsad ng mga proyektong magpapaunlad sa antas ng pamumuhay ng ating mga mamamayan.

Comments


bottom of page