School Board ng San Rafael, Nagsagawa ng Pagpupulong

Nagsagawa ng pagpupulong ang Local School Board (LSB) ng San Rafael nitong Agosto 25, 2026 upang talakayin ang mga mahahalagang usapin at programa para sa sektor ng edukasyon sa bayan.
Layunin ng pagpupulong na mapag-usapan ang mga pangangailangan ng mga paaralan at mga hakbang na makatutulong sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon sa San Rafael.
Bahagi rin ng naturang pagpupulong ang patuloy na koordinasyon ng lokal na pamahalaan at mga kinauukulang sektor upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral, guro, at mga paaralan sa komunidad.
Patuloy na isinusulong ng Local School Board ang pagtutulungan at maayos na pagpaplano upang makapaghatid ng mga programang makatutulong sa kapakanan at pag-unlad ng mga mag-aaral sa San Rafael.






Comments