Scholarship Qualifying Examination, Isasagawa sa Setyembre 13

Isasagawa ang Scholarship Qualifying Examination sa Carlos F. Gonzales High School (CFGHS) sa Setyembre 13, 2026.
Dalawang batch ang nakatakda: Batch 1, alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng umaga, at Batch 2, alas-10:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali. Ang room assignments ay nakaayos ayon sa alpabetikong pagkakasunod-sunod.
Ang mga solo parents ay nakatalaga sa Batch 2, partikular sa Room 29–31.
Para sa mga aplikanteng may kulang na requirements, kailangang isumite ang mga kinakailangang dokumento sa mga staff na nakatalaga sa Covered Court ng CFGHS bago kumuha ng pagsusulit.
Pinaalalahanan ang mga aplikante na walang ibang petsa para sa pagsusulit kaya kinakailangang dumalo sa itinakdang oras. Dapat ding magdala ng black ballpen at valid ID, magsuot ng komportableng damit, at tandaan na hindi pinapayagan ang calculators at gadgets sa examination.






Comments