Scholarship Grants, Matagumpay na Naipamahagi ng Pamahalaang Bayan
- SB San Rafael

- Apr 27
- 1 min read

Bilang bahagi ng walang sawang pagsuporta sa edukasyon ng mga kabataang San Rafaeleño, matagumpay na naipamahagi ang mga scholarship grant sa isang seremonyang ginanap nitong Linggo, ika-26 ng Abril, 2026.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ng ating Punong Bayan, Igg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., katuwang ang ating Pangalawang Punong Bayan, Igg. Edison M. Veneracion. Dumalo rin sa mahalagang aktibidad ang Municipal Administrator na si Dra. Marina R. Viente, Konsehal Nonong Sta. Maria, at iba pang kawani ng ating pamahalaang bayan na matiyagang nagsilbi upang maging matagumpay ang pamamahagi.

Ang scholarship program na ito ay patunay ng dedikasyon ng Pamahalaang Lokal ng San Rafael sa pagbibigay ng oportunidad sa mga kabataan. Naniniwala ang ating mga lider na ang edukasyon ang pinakamahalagang puhunan at susi sa pag-unlad ng bawat pamilya at ng ating bayan. Sa pamamagitan ng tulong na ito, layunin ng pamahalaan na gumaan ang pasanin ng mga mag-aaral at masiguro na walang kabataang San Rafaeleño ang mapag-iiwanan sa kanilang pag-aaral.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang pamunuan sa lahat ng mga opisyal at kawani na naging bahagi ng tagumpay ng programang ito.





Comments