SCHOLARSHIP GRANTS, IPINAMAHAGI SA MGA MAG-AARAL NG SAN RAFAEL

Namahagi ng scholarship grants ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa mga kwalipikadong mag-aaral ngayong Linggo, Nobyembre 15, 2026, bilang bahagi ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa edukasyon.

Pinangunahan ang pamamahagi ni Mayor Cipriano D. Violago Jr., kasama sina Vice Mayor Edison M. Veneracion, Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ilang kawani ng munisipyo.
Layunin ng programa na matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral at masuportahan ang kanilang pag-abot sa mga pangarap.
Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang mga programang pang-edukasyon para sa kabataang San Rafaeleño.







Comments