top of page

Scholarship Grant Distribution 2026, Gaganapin sa Linggo sa Victory Coliseum


Inaasahang dadagsa ang mga "Iskolar ng Bayan" sa darating na Linggo, ika-26 ng Abril, 2026, para sa gaganaping Scholarship Grant Distribution 2026 sa Victory Coliseum, Sampaloc, San Rafael, Bulacan.


Ang nasabing programa ay inisyatibo ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa edukasyon at kinabukasan ng mga kabataang San Rafaeleño. Ang pamamahagi ay magsisimula sa ganap na 8:00 ng umaga.


Mahalagang paalala mula sa tanggapan ng Mayor na ang attendance ay "A MUST" o kinakailangan. Hindi pinahihintulutan ang pagpapadala ng kinatawan o proxy sa nasabing aktibidad. Ang sinumang mabigong mag-claim ng kanilang grant sa nakatakdang petsa ay awtomatikong mawawalan ng karapatan sa nasabing tulong (forfeited).


Mga Kinakailangan (Requirements):

  • Magsuot ng opisyal na "Iskolar ng Bayan" T-shirt.

  • Magdala ng sariling black ballpen.

  • Magdala ng Original at Photocopy ng alinman sa mga sumusunod:

    • School ID

    • Government-issued ID

    • Voter’s Certificate



Paalala sa Xerox Copy ng ID: Sa ibabaw ng xerox copy ng inyong ID, isulat ang mga sumusunod na impormasyon at lagdaan ito ng tatlong (3) beses sa ibaba:

  1. Lane Number

  2. Payroll Number

  3. Line Number


Hinihikayat ang lahat ng mga iskolar na maging maaga at sundin ang mga tagubilin upang maging maayos at mabilis ang proseso ng pamamahagi. Ito ay isang pagkakataon upang ipakita ang disiplina at pagpapahalaga sa tulong na inilaan ng ating lokal na pamahalaan para sa inyong pag-aaral.

Comments


bottom of page