top of page

Schedule ng RHU 1, 2, at 3, Alamin para sa Inyong Konsultasyon


Upang mas mapabuti at mapalawak ang serbisyong medikal para sa bawat San Rafaeleño, pormal nang ipinatutupad ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang bagong iskedyul ng operasyon ng ating mga Rural Health Units (RHU) simula ngayong Abril 1, 2026.


Sa ilalim ng direktiba ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion, narito ang mga dapat tandaan sa pagbisita sa ating mga Health Center:


RHU 1 & RHU 2:

  • Lunes hanggang Huwebes: 7:00 AM – 6:00 PM

  • Biyernes: 8:00 AM – 12:00 PM (Tanghali)


RHU 3 (Emergency at Konsultasyon):

  • BUKAS 24/7 (24 oras, 7 araw sa isang linggo) para sa anumang oras na pangangailangang medikal at emergency.

Animal Bite Treatment Center (RHU 2, Brgy. Maguinao):

  • Lunes at Huwebes: 8:00 AM – 12:00 PM (Tanghali)


Hinihikayat ang lahat ng ating mga kababayan na sumunod sa itinakdang oras para sa mga regular na konsultasyon upang matiyak ang mabilis at maayos na serbisyo. Para sa mga seryosong emergency, huwag mag-atubiling dumiretso sa RHU 3 anumang oras ng araw o gabi.


Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng ating lokal na pamahalaan na gawing mas accessible at maaasahan ang sistemang pangkalusugan sa ating bayan.

Comments


bottom of page