top of page

SB San Rafael, Sinuri ang Proyektong Commercial Resort sa Brgy. Dagat-Dagatan



Upang matiyak na naaayon sa batas at ligtas para sa publiko ang mga bagong negosyo sa bayan, nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng San Rafael ng isang Pampublikong Pagdinig at Ocular Inspection nitong mga nakaraang araw.


Ang aktibidad ay isinagawa bilang tugon sa kahilingan ni Ms. Anna Nicole Vasallo Perez na mabigyan ng Sangguniang Bayan Clearance para sa ipapatayong commercial resort sa Barangay Dagat-Dagatan.



Ang nasabing proyekto ay may lawak na 1,000 metro kuwadrado at matatagpuan sa loob ng nabanggit na barangay. Sa pamamagitan ng inspeksyon, personal na sinuri ng mga opisyal ang lokasyon upang masiguro na ang pagpapatayo ng resort ay hindi makasasama sa kalikasan at susunod sa mga panuntunan ng lokal na pamahalaan.



Comments


bottom of page