SB San Rafael, Sinuri ang Konstruksyon ng Apartment sa Maguinao
- SB San Rafael

- Apr 11
- 1 min read

Upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at ang tamang pagsunod sa mga alituntunin ng konstruksyon, nagsagawa ng isang ocular inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa isang ipinatatayong apartment sa Barangay Maguinao.
Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng ating Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, katuwang ang mga kagalang-galang na Kagawad ng Sangguniang Bayan. Layunin ng pagbisitang ito na personal na masuri ang kalagayan ng istraktura at tiyakin na ang proyekto ay naaayon sa mga umiiral na batas, regulasyon, at pamantayan ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Vice Mayor Edison, mahalaga ang ganitong mga hakbang upang masiguro na ang mga itinatayong paupahan ay ligtas para sa magiging mga tenants at hindi magdudulot ng abala sa mga karatig-bahay.
Sa ilalim ng pamumuno ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., nananatiling mahigpit ang lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga building permit at zoning regulations. Katuwang ang Municipal Engineering Office, sinisiguro ng Sangguniang
Bayan na ang bawat pundasyon at disenyo ng gusali ay dumaan sa tamang pagsusuri.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng adhikain ng pamahalaang bayan na itaguyod ang isang disiplinado, ligtas, at maayos na San Rafael para sa lahat ng mga mamamayan nito.





Comments