top of page

SB San Rafael, Nagsagawa ng Ocular Inspection sa Planong LPG Tank Yard

Sep 26
1 min read

Updated: Oct 4


Nagsagawa ng ocular inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa ADM Compound sa Barangay San Roque upang suriin ang lokasyong planong pagtayuan ng LPG Tank Yard.


Pinangunahan nina Vice Mayor Edison M. Veneracion at Igg. Nestor V. Vicho, Chairman ng Committee on Public Works and Infrastructure, ang pagsisiyasat sa naturang lugar kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.


Kasabay ng inspeksyon, nagsagawa ng maikling presentasyon ang kinatawan ng kumpanya tungkol sa planong LPG Tank Yard. Ipinaliwanag dito ang mahahalagang detalye ng proyekto, kabilang ang mga hakbang na nakalaan para sa kaligtasan ng pasilidad at ng mga nakapaligid na lugar.


Isinagawa ang aktibidad bilang bahagi ng pagsusuri ng Sangguniang Bayan sa planong proyekto at sa mga kaugnay nitong usapin.

Comments


bottom of page