top of page

Sangguniang Bayan, Tinalakay ang mga Panukalang Pangkalikasan

Aug 24
1 min read

Nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng San Rafael ng Committee Hearing ng Committee on Environment and Natural Resources upang talakayin ang mga panukalang ordinansa para sa pangangalaga ng kalikasan, wastong pamamahala ng basura, at konserbasyon ng yamang-tubig sa bayan.


Kabilang sa mga tinalakay ang CLAYGO (Clean As You Go) Policy para sa mga food establishments, pampublikong pamilihan, tanggapan ng pamahalaan, paaralan, terminal, parke, recreational facilities, commercial establishments, at pampublikong pagtitipon.



Kasama rin sa agenda ang panukalang konserbasyon, proteksyon, regulasyon at napapanatiling paggamit ng yamang-tubig, gayundin ang mandatory segregation ng solid waste, paggamit ng clear plastic bags, at pagpapatupad ng “No Segregation, No Collection” Policy.


Pinangunahan ni Kgg. Edlin M. Indon, Chairman ng Committee on Environment and Natural Resources, ang pagdinig kasama ang mga kagawad ng Sangguniang Bayan sa patnubay ni Pangalawang Punong Bayan Edison M. Veneracion.


Layunin ng mga panukala na makabuo ng mga ordinansang magsusulong ng mas malinis, ligtas, responsableng pamayanan para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.


Comments


bottom of page