top of page

Sangguniang Bayan, Sinuri ang Bagong Warehouse sa Brgy. Coral na Bato


Upang matiyak ang kalidad at kahandaan ng mga pasilidad na ipinapatayo ng lokal na pamahalaan, nagsagawa ng isang ocular inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa pangunguna ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, katuwang ang mga Kagawad ng Sangguniang Bayan, sa Barangay Coral na Bato.


Ang inspeksyon ay nakatuon sa bagong gawang warehouse na matatagpuan sa nasabing barangay. Layunin ng pagbisita na masuri kung ang gusali ay sumusunod sa mga itinakdang pamantayan sa konstruksyon at kung ito ay handa na para sa agarang paggamit.

Comments


bottom of page