Sangguniang Bayan ng San Rafael, Nagsagawa ng Pampublikong Pagdinig ukol sa Reklasipikasyon ng Lupa sa Brgy. Pulo
- SB San Rafael

- Jul 31
- 1 min read

Nagsagawa ng isang Pampublikong Pagdinig (Public Hearing) ang Sangguniang Bayan ng San Rafael hinggil sa panukalang reklasipikasyon ng isang lupain na matatagpuan sa Barangay Pulo.
Ang naturang pagdinig ay isinagawa bilang opisyal na tugon sa kahilingan ni Gng. Celerina Sabariaga na maipareklasipika ang kaniyang lupain na may sukat na 14,426 metrong kuwadrado (sq. meters) mula sa pagiging agricultural tungo sa pagiging residential.
Pinangunahan ang pampublikong pagdinig ni Kgg. Vicente N. Paulino, Chairman ng Committee on Urban Planning, Zoning, Land Use, Housing and Resettlement, katuwang si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion at ang mga kasaping kagawad ng Sangguniang Bayan.

Layunin ng konsultasyong ito na masusing suriin ang prayoridad sa paggamit ng lupa, tiyakin ang tamang proseso ng zoning, at dinggin ang panig ng komunidad at mga kaugnay na sektor bago maglabas ng pinal na pasya ang Sanggunian.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagtataguyod ng maayos na urban planning at lehitimong pampublikong proseso ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Vice Mayor Kuya Edison Veneracion.




Comments