Sangguniang Bayan ng San Rafael, Nagsagawa ng Ocular Inspection sa Brgy. Banca-banca
- SB San Rafael

- May 4
- 1 min read
Upang matiyak ang kalidad at tamang implementasyon ng mga proyektong pang-imprastraktura sa bayan, nagsagawa ng ocular inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafael kasama si Vice Mayor Edison Veneracion sa Barangay Banca-banca.
Layunin ng inspeksyon na masiguro na ang konstruksyon ay sumusunod sa mga pamantayan ng kaligtasan at natatapos nang maayos para sa kapakinabangan ng mga residente.
Ayon sa pamunuan ng Sangguniang Bayan, bahagi ito ng kanilang mandato na magsagawa ng legislative oversight o pagsubaybay sa mga proyekto ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng direktang pagtungo sa mga lugar na ito, agad na natutugunan ang mga posibleng isyu at naisasaayos ang mga kinakailangang hakbang.





Comments