top of page

Sangguniang Bayan ng San Rafael, Nag-ocular Inspection sa Brgy. Talacsan


Upang matiyak ang legalidad at kaligtasan ng mga itinatayong imprastraktura sa bayan, nagsagawa ng Pampublikong Pagdinig (Public Hearing) at Ocular Inspection ang Sangguniang Bayan sa Barangay Talacsan nitong ika-28 ng Mayo 2026.


Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pangalawang Punongbayan Kgg. Edison M. Veneracion kasama ang mga miyembro ng konseho upang personal na suriin ang kalagayan ng proyekto sa nasabing lugar.


Isinagawa ang pagdinig at inspeksyon bilang tugon sa pormal na kahilingan ni Mr. Rhoderick A. Agdeppa. Layunin nitong ma-isyuhan ng kaukulang Sangguniang Bayan Clearance ang isang ipinatayong storage at office building na may kabuuang sukat na 626.696 square meters na matatagpuan sa naturang barangay.


Sa pamamagitan ng pampublikong pagdinig, nabigyan ng pagkakataon ang lokal na pamahalaan, ang aplikante, at ang mga residente sa paligid na talakayin ang mga epekto at pakinabang ng gusali sa komunidad. Bahagi rin ito ng mahigpit na proseso ng munisipyo upang masigurong sumusunod sa zoning ordinance at mga batas-pangkalikasan ang mga negosyo sa San Rafael.



Comments


bottom of page